Pang angkop

 PANG-ANGKOP – Ang Kahulugan At Ang Mga Halimbawa Nito

PANG-ANGKOP – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang pang-angkop na isang bahagi ng pananalita, ang kahulugan nito at ang mga halimbawa.


Ito ay isa sa walong mga bahagi ng pananalita na mga katagang nagdudugtong sa magkakasunud-sunod na salita sa isang pangungusap para magiging magaan o madulas ang pagbigkas nito. Ito rin ang ginagamit para pag-ugnayin ang mga panuring at mga salitang binibigyan nito ng turing.


Mayroong tatlong pang-angkop: na, ng o -ng at g.

1. NA

Ito ay nagdudugtong ng dalawang salita na kung saan nagtatapos sa katinig ang nauunang salita maliban sa letrang n. Para sulatin ito, sapat ihiwalay ito sa salitang pinag-uugnay

Halimbawa:


Ang banal na kaulatan

Ang malinis na hangin

Ang matalim na espada

Ang maitim na dyaket

Ang sikat na artista

Ang kristal na baso

Ang makinis na mukha ni Loisa

Ang mahusay na manunulat

Ang matigas na bato

Ang matinik na cactus

2.1. NG

Ito naman ay isinulat na dinugtungan sa mga salitang nagtatapos sa patinig na mga letrang a, e, i, o, at u.


Halimbawa:


Ang masaganang halaman

Ang malaking mga ugat ng puno

Ang basang mga nilabadang damit

Ang kotseng pula

Ang berdeng sapatos

Ang dalawang mata

Ang mabagyong panahon

Ang maruming damit

Ang buong istorya ni Jonathan.

Ang salaring tulisan

2.2. -NG


Ito naman ay ginagamit para dugtungan ang magkakasunod na salita na kung saan nagtatapos sa katinig na n ngunit kinakaltas na ito kaya hindi ang pang-angkop na g ang ginagamit.


Halimbawa:


luntian ng halaman – luntiang halaman

usapan ng inutil – usapang inutil

malinis na kasuotan – kasuotang malinis

3. G


Ito naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa katinig na n dinurogtungan


Halimbawa:


Kainang nasa kalye

Tulisang kriminal

Pikong mapang-api

Source:https://philnews.ph/2019/07/24/pang-angkop-kahulugan-halimbawa/

Comments

Popular posts from this blog

Pangkayarian

Pangawing