Posts

Showing posts from October, 2020

Pangawing

  PANGAWING Ang pangawing ay nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap. Ang AY ang palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang karaniwang ayos ng pangungusap. Ang una ay panaguri sa paksa ay nilalagyan ng pagbabago. Palatandaan ito na inilipat ng posisyon ang bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pagdugtong sa mga pangungusap ng di-karaniwang ayos. Halimbawa:                     -Ako ay galing sa banyo. Source:https://www.slideshare.net/mobile/MinnieRose/mga-bahagi-ng-pananalita-36668038

Pantukoy

  Pantukoy at uri ng Pantukoy Pantukoy Ang pantukoy ay katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o pangyayari. Ito'y nahahati sa dalawang uri. Mga halimbawa : Ang bata ay umiiyak dahil wala siyang kaibigan. Ang grupo ni Lapu-Lapu ay nakitunggali laban sa mga EspaƱol. Si Lisa ay gumagawa ng Valentines card para sa kanyang ina. Hinahanap ka nina David at Julia. Kay Maria ko ibibigay ang mga rosas na ito. Sa mga lilipat, mag-ingat po sa dadaanang tulay Uri ng Pantukoy Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana ang, ang mga, mga ang (isahan) Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. ang mga (maramihan) Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage. mga (maramihan) Halimbawa: Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod. Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao) si, sina, ni, nina, kay, kina si (isahan) Halimbawa: Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang ka...

Pang-ukol

 Paliwanag Kung Ano Ang Pang-Ukol & Mga Halimabaw ng Bahagi ng Pananalita na Ito PANG-UKOL – Narito ang isang pagtalakay kung ano ang bahagi ng pananalita na ito at sa mga halimbawa nito. Isa sa mga asignaturang bahagi ng kurikulum simula kinder hanggang kolehiyo ay ang Filipino. Mahalaga talaga na tayo ay bihasa sa ating sariling wika bago pa man tayo maging magaling sa ibang wika. Pagdating sa Filipino bilang asignatura, isa sa mga topiko na itinatalakay sa elementary ay ang mga bahagi ng pananalita. Mayroong walong(8) bahagi ng pananalita. Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang tungkol sa pang-ukol. Magbibigay rin tayo ng mga halimbawa ng bahagi ng pananalita na ito.  Pang-Ukol Ano ang Pang-ukol? Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa, panghalip, o pang-abay sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay maaari ring magturo ng lugar o layon. Mga Halimbawa ng Pang-Ukol Ilan sa mga halimbawa ng bahagi ng pananalita na ito na kadalas...

Pangatnig

  PANGATNIG – Ano Ang Mga Uri At Mga Halimbawa Nito? PANGATNIG – Sa paksang ito, ating alamin ang mga iba’t ibang uri ng pangatnig at ang mga halimbawa ng mga uri nito. Alamin muna natin kung ano ang pangatnig.   PANGATNIG Kahulugan Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang salita, sugnay, parirala, or pangungusap. Maari itong nagpapakita ng pagbubukod, pagsasalungat, o paglilinaw. Uri Pause Unmute Fullscreen VDO.AI Pamukod Ang uri nito ay mayroong pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan at karaniwag nilalagyan ng mga katagang ni, o, at maging: Halimbawa: Ano ba ang mas mainam na ipakain sa mga bata para sa meryenda, tinapay o biskwit? Kahit magdala man siya ng payong o hindi, mababasa pa rin siya sa lakas ng ulan. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak. Pandagdag Nagsasaad ito ng pagpupuno o pagdaragdag at ginagamitan ng mga katagang at, saka, at pati. Halimbawa: Kukuha muna ako ng kakain...

Pang angkop

  PANG-ANGKOP – Ang Kahulugan At Ang Mga Halimbawa Nito PANG-ANGKOP – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang pang-angkop na isang bahagi ng pananalita, ang kahulugan nito at ang mga halimbawa. Ito ay isa sa walong mga bahagi ng pananalita na mga katagang nagdudugtong sa magkakasunud-sunod na salita sa isang pangungusap para magiging magaan o madulas ang pagbigkas nito. Ito rin ang ginagamit para pag-ugnayin ang mga panuring at mga salitang binibigyan nito ng turing. Mayroong tatlong pang-angkop: na, ng o -ng at g. 1. NA Ito ay nagdudugtong ng dalawang salita na kung saan nagtatapos sa katinig ang nauunang salita maliban sa letrang n. Para sulatin ito, sapat ihiwalay ito sa salitang pinag-uugnay Halimbawa: Ang banal na kaulatan Ang malinis na hangin Ang matalim na espada Ang maitim na dyaket Ang sikat na artista Ang kristal na baso Ang makinis na mukha ni Loisa Ang mahusay na manunulat Ang matigas na bato Ang matinik na cactus 2.1. NG Ito naman ay isinulat na dinugtungan sa ...

Pangkayarian

Mga Salitang Pangkayarian (Function Words) 1. Mga Pang-ugnay (Connectives) a.    Pangatnig    (Conjunction)   –   mga salitang   nag-uugnay   ng   dalawang  salita,   parirala   o   sugnay(sapagkat,   at,   raw,   pati) b. Pang-angkop (Ligature) – mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang magingkaaya-aya   ang   pagbigkas   ng   mga   ito   (na,   -ng   at   -g)   (mataas  na  tao,   malayang  isipan) c. Pang-ukol   (Preposition)  – mga  salitang  nag-uugnay  sa isang pangngalan sa iba  pang  salita. ➤ Ginagamit bilang pangngalang pambalana (Common Noun) (Ang mga donasyong ibinigay ng mgapulitiko   ay  para   sa  mga   nasunugan.) ➤ Gi...